Wednesday, February 3, 2010

"MUZTAH"

friend 1: ui tara? (isa sa mga bicol term ng kamusta)
rachelle: eto buhay pa

friend 2: musta?
rachelle: uki lang



mga mahal kong kaibigan, pasensya na kung ganyan ako sumagot sa mga tanong ninyo.salamat sa page'effort ninyo para i'type lang ang word na "kamusta" pero di ba obvious?..tamad akong sagutin ang tanong na yan

bakit kamo? eh bakit pa kelangan magtanong ng kamusta gayung obvious naman sa mga status post ko kung kamusta talaga ako.

at kung sakali pa ring hindi obvious, sa tingin nyo ba magsasabi talaga ako ng totoo kung kamusta ako pag tinanong nyo ako?

at kung sakali namang sumagot ako nang maayos. bakit? may care ba kayo kung kamusta talaga ako? ang sabihin nyo lang....wala kayong ibang alam na pwedeng i'open na topic kung kaya "kamusta" na lang ang naisipan ninyong sabihin.

nakasanayan na kasi natin yan eh. kumbaga pag nakakita tayo nang isang kaibigan, yan na ang isa sa mga pinaka'unang salita na nailalabas ng ating unconcious thought. kaya kung sabagay, hindi ko masisisi ang ilan pag tinatanong ako nyan.

kung kaya naman, nirerespeto ko kayo mga pare. at sana naman ay, respetuhin nyo ako pag sinagot ko kayo ng ganun na lang.

pasensya na talaga mga pare. mahal ko kayo.



'lul.